Kinaaliwan ng mga netizen sa isang Facebook page ang post ng isang gurong nagngangalang "Maricel Morandarte - Legaspi" kung saan makikitang sinulatan ng magulang ng kaniyang estudyante, ng pangalan ng kaniyang anak ang bawat piraso ng krayola nito, upang maiwasan ang pagkawala, para sa kaniyang pagbabalik sa face-to-face classes.

Aniya sa kaniyang caption, "Ganito rin ba ang nanay n'yo sa mga gamit n'yo noon… Lahat may pangalan ultimo eraser," aniya.

Sa kabilang banda, kahit na may label na lahat, hindi pa rin daw maiwasang mawala ito.

"Pati payong di pinalalagpas pero ang ending nawawala pa rin😁🤣. Lakas maka-throwback, pampa-good vibes…"

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Larawan mula sa FB ni Maricel Morandarte - Legaspi via Homepaslupa Buddies 3.0

Marami naman sa mga netizen, lalo na ang mga momshie, ang tila naka-relate sa post ng guro at napa-throwback na rin sa pagiging "OC" o metikulosa sa mga gamit o kasangkapan.

"Bawal kuhanin naka mamatay. Very witty hahaha."

"Nakuuu ganyan din anak ko noon color, eraser, scissors… hanggang itinali ko na sa baywang yung lapis haha."

"Ginagawa ko rin dati sa anak ko pag-uwi niya, wala na rin, kulang-kulang na rin mga pencil at crayons niya, minsan pati notebook at papel wala na rin. Part talaga ng mga elementary 'yan. Nakakatuwa kasi naranasan ko rin 'yang ganiyan noong bata pa ako."

"Ako ang naglalagay sa gamit ko ng pangalan pero inaalis nila ang balat🤣🤣🤣 at kinikiskis ang pangalan para mabura naman ang pangalan sa lapis. Kahit noon paman matalino na ang mga estudyante."

Ang ibang mga netizen naman, tila may "hugot" dito.

"Kaya nga may label na 'di ba, ibig sabihin may nagmamay-ari na... pero yung iba, alam na ngang may label, kinukuha at inaagaw pa!"

"Pag may label na, 'wag na kasi kunin! Kahit sa relasyon... char!"

Ikaw, ginawa mo na rin ba ang ganito sa anak mo, o ikaw mismo?