Isang nakakakilig na birthday message ang ibinahagi ni Chito Miranda para sa kanyang misis na si Neri. 

Kalakip ang dati nilang picture, bumanat si Chito ng tila pangmalakasang pagbati sa kanyang pinakamamahal na misis.

"Eto yung time na nagpapa-cute pa lang ako kay Neri Naig. Hindi ko pa alam nung time na 'to na siya pala ang magiging dahilan kung bakit ako magiging sobrang masaya at kuntento sa buhay," aniya sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules.

"Masaya naman ako dati (rakenrol eh), ngunit wala akong paki sa mundo at di ko alam na hindi pa pala ako kumpleto...at may isasaya pa pala. May ibang level pa pala ng kaligayahan na nakalaan para sa akin," banat pa ni Chito.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Dagdag pa niya, "may nagmahal sa akin na higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili. Nagkaroon ako ng asawa't mga anak na sobrang mahal na mahal ko, na di ko man lang inakala na may ganung capacity pala ako to love."

Ayon pa sa 'Idol Philippines Season 2' judge, si Neri raw ang constant reminder niya na magiging maayos ang lahat. Siya rin daw ang kaniyang direct connection sa Panginoon.

"She is my constant reminder that everything will be fine...that life may not be perfect, but it will always be beautiful because I will always have her to hug when I really need one. She is my closest, most direct connection to God kasi dahil sa kanya, I am reminded everyday kung gaano ako ka-blessed at kung gaano kaganda ang mundo," aniya.

"Because of her, I am at peace. This is how I feel because of Neri. That is how much I love her. Happy Birthday, Neri Naig, 6th placer sa SCQ, ngunit number 1 naman sa tagumpay ng buhay.

"I am sooooo proud of you, at mahal na mahal na mahal talaga kita, asawa ko.

"..buti nalang talaga nilandi kita," banat pa niya.

Ipinagdiriwang ni Neri ang kanyang 37th birthday ngayong araw, Setyembre 7.

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/09/05/neri-miranda-sinalo-ang-naghihingalong-salon-para-di-mawalan-ng-trabaho-ang-staff/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/05/neri-miranda-sinalo-ang-naghihingalong-salon-para-di-mawalan-ng-trabaho-ang-staff/