Nakatutok ngayon sa kaniyang music project si James Reid na excited na rin para sa kaniyang ten-track album tampok ang ilang Kpop artists.

Time-out muna ngayon si James sa pag-arte.

“‘I’ve been working on an album all year so it’s coming out in October. So I’m putting all my efforts in acting into Liza,” ani James sa isang panayam ng ABS-CBN News.

Pabalik-balik din si James ng Los Angeles para sa ilang inihahandang projects.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I can’t imagine me doing acting now. There’s a lot I’m doing,” ani James na all hands on deck para sa kaniyang upcoming brand new music.

Basahin: Liza Soberano at James Reid, magtatambal nga ba sa isang proyekto? Aktor, may nalinaw – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sampung track ang aabangan ng fans para sa susunod na album ni James tampok ang ilang Kpop at Los Angeles artists.

“We’re very in sync with what we’re trying to achieve. I can take this globally,” kumpiyansang saad ni James.

Noong Hulyo, naispatan sa South Korea sina James at Liza kasama ang ilang naglalakihang Kpop artists kabilang na sina Got7 Jay B, Jay Park, at IKON DK.

Nakasama rin nina James at Liza si Got7 Bambam nang magconcert ito sa bansa kamakailan.

Madalas ding makita sa mga Instagram update ng aktor ang kilalang South Korean band na The Rose.

Sino-sino kaya sa kanila ang magiging bahagi sa bagong music ni James?

“I know it must be confusing, what we’re doing but I just have to say, ‘Wait and see’ but we are making a lot of new friends in both LA and in South Korea, building relationships,” anang aktor.