Pinutakte ng mga negatibong komento mula sa netizens ang mensahe ng basketball superstar na si Scottie Thompson para sa kanyang misis na si Jinky Serrano. 

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Setyembre 5, nag-alay ng mensahe si Scottie para sa misis, aniya, "Always there for me through every thick and thin, with me through all my victories and always there to help me get up after every defeat, she brings out the best in me every single day, and supports me in every single way."

"She’s my queen, she’s my hero and she’s my wife Jinky," dagdag pa niya. 

Gayunman, pinutakte ng mga negatibong komento ang kanyang post. Pinuna kasi ng mga netizen ang caption ng basketball player, nabanggit dito ang naging 8-year relationship nito sa ex-fiancée niyang na si Pau Fajardo.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Hahaha grabe pati ba naman sa caption ikaw jinky??? Wag na mag pa pretend!! Kawawa kana naman"

"So Hindi pla hero ang taong nandyan ng walang wala kpa Hindi kpa nakikilala..wla ka nga tlagang ----..tpos sabihin mo heti cya hahhaha nakakatawa ka tlaga... Infairness mabuti nlg at nakawala ang totoong he ro..at alam Mo yun.."

"He was actually referring to his xyz sa sinabi nyang through thick and thin"

"she's my queen, she's my hero and she's jingkati"

"Xure ka sa caption mo jingky?kc sa pagkakaalam nmin di ikaw ung nsa tabi nya nong magsimula pa lang xa hangang sa narating niya kong ano man meron xa ngaun na tinatamasa mo,ano man ung ups and down nyo ngaun dhil na din un sainyo.."

"Thru thick and thin talaga? Hahahaha yung taong ksma mo nga noong walang, wala ka pa at nagsisimula ka pa lang nagawa mo pang lokohin wag kami scottie"

"Hanggang kelan kaya to sila, kitang kita na binonggahan ang kasal compensating ang panloloko, at showy pa ng pagmamahalan in public, coping mechanism I may say."

"Captioned by the wife. sya ba talaga ang naging hero mo? O yung 8 years na nagtiis sayo pero biglang pinagpalit mo."

"Cgro pg nalampasan muna un 8yrs nila pinag smahan tru ups and down ska ntn mttwg n pgmmhalan tlga yan"

"Hero agad? Mas hero pa sa 8years?"

"Sana sinabi mo nalang na my PARENTS ARE MY HERO. Mas kapanipaniwala.Coz parents are heroes. Kasi your followers know who was there when you dont have what u have right now. She was there supporting u your dream but when u have everything you left her, iniwan mong durog."

"anya tah kunam? who was there for you tru thick and thin?sure k scottie?nway,englisero kna pla ngaun scottie?or should I say c jinky ang gumawa neto?or cia mismo nagpost para sabihin mhal na mhal cia ng asawa nia?that's hypocrites of u Ms jinky..alam mo kung anong mas mgnda nyong gwin Ms jinky and scottie?humingi kau ng tawad sa taong nasaktan nio,para mgkaroon kau ng peace of mind,khit anong saya ang ipakita nio sa mga tao,deep in ur heart alm nyong my nasaktan kaung tao,and that is Ms _paufajardo..maiksi lng ang buhay.mas maganda p rin ang buhay ng wlng kaaway."

"Saka kana mag caption Ng ganyan lagpasan muna Ang 8 years na iniwan mo hahaha"

"great pretender hahaaha kawawa ka naman pati caption ikaw parin"

"Paano naging hero sau eh dumating siya bahay MO sakit kana at may Pera kna c pao wala wala kapa nun Jan siya lagi sa tabi mo"

Matatandaang ikinabigla ng fans ni Scottie ang pagpapakasal nito sa flight attendant na si Jinky Serrano, ilang buwan matapos ma-engaged sa kanyang long-time girlfriend.

Nag-viral pa nga sa social media ang nakakakilig na pagpo-proposed ni Scottie kay Pau noong Enero 2021.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/06/22/fans-na-shock-kay-ginebra-player-scottie-thompson-nag-propose-sa-isa-kinasal-sa-iba/