Dahil cancer-free na si Zoey, mas masaya siyang nagdiwang ng kanyang ika-14 na kaarawan. Ito ay ibinahagi ng kanyang ama na si Anthony Taberna. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/05/anak-ni-anthony-taberna-na-si-zoey-cancer-free-na-i-thought-that-my-life-would-end-at-13-years-old/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/05/anak-ni-anthony-taberna-na-si-zoey-cancer-free-na-i-thought-that-my-life-would-end-at-13-years-old/

Sa isang Facebook post, nagpasalamat sa Diyos ang batikang mamamahayag dahil masigla, masaya, at maganda ang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak.

"Salamat sa Panginoong Diyos sa pagmamahal Niya kay Zoey. Pagkatapos ng napakabigat na pinagdaanan, si Zoey ngayon ay sumapit sa kaniyang ika-14 na kaarawan. Masigla, masaya at maganda," ani Taberna nitong Martes, Setyembre 6.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

"Ang regalo na hiningi namin sa Ama - nawa'y manatili kang malusog at malakas upang ang buhay ay magamit sa paglilingkod sa Kaniya. Happy 14th birthday Zoey," dagdag pa niya.

Nagpasalamat din siya kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Congressman Sandro Marcos sa pagbati nila kay Zoey.

Samantala, sa hiwalay na Facebook post, nakadaupang palad ng Taberna Family si Ka Eduardo V. Manalo.

"Napakabiyaya talaga ng kaarawan ni Zoey. Nagkapalad kami na makadaupang palad ang aming Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sa Iglesia ni Cristo Central Office. Kasama kami sa kaniyang naipanalangin at si Zoey, nakapagsabi kay Sir ng " Puwede po payakap, Ka Eduardo?" na kanya namang pinagbigyan," sabi ni Taberna

"Sa maikli naming kumustahan, napag-usapan ang matinding pagsubok na pinagdaanan ni Zoey at ang yugto na nasa bingit siya ng kamatayan. Sabi ng Ka Eduardo kay Zoey "may plano pa sa iyo ang Diyos. Tuklasin ninyo." Maraming salamat po sa mga pagpapayo SIR. Ang bawat pagkakataon na nakakausap po namin kayo at nagbibilin sa amin na huwag magsasawa sa panalangin dahil 'hindi tayo pababayaan ng Diyos' ay tine-treasure po namin," kwento pa niya.

"Higit sa lahat, salamat sa Ama dahil sa Kaniyang walang maliw na pagmamahal sa aming Namamahala na ngayon ay 13 taon nang nangunguna sa Iglesia. Happy Anniversary po SIR. Happy birthday ulit, ZOEY."