Bilang isang fur dad ng pitong taong gulang na aspin, kasama si Kapuso star Alden Rirchards para sa kampanya ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para sa isang makabuluhang kampanya.

Noong Agosto, pinangalangan bilang ambassador ng “I Love My Aspin” campaign si Alden na layong isulong ang pag-ampon at mas malalim na pagpapahalaga sa mga asong Pinoy, o asong kalye lalo na ang mga rescued dogs.

Sa ilang behind the scenes ng pictorial ng aktor, kapansin-pansin ang natural at magaang loob ni Alden para sa mga shelter dogs ng PAWS na agad naman niyang napaamo.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Natampok din sa pictorial ang malambing na aspin ni Alden, ang pitong taong gulang na si Chichi.

“Very protective siya sa akin especially kapag may ibang tao like may visitor sa shoot. Sa tabi ko lang ‘yan,” pagbabahagi ng aktor sa pinakanapamahal sa kaniyang katangian ni Chichi.

Ani pa ni Alden, isang paraan ang pagiging mukha ng kampanya para ibalik sa mga aspin ang ang nakuha niyang pagmamahal mula kay Chichi na aniya’y naging stress reliever na rin niya sa kabila ng kaniyang abalang schedule sa trabaho.

Hinangaan naman ng maraming netizens ang aktor para sa adbokasiya nito.

Viral sa Facebook ang nasabing video ng PAWS na parehong ikinaantig at ipinagpasalamat ng aspin fur parents kay Alden.