Sa Oktubre nakatakdang gampanan ni dating Vice President at Angat Buhay Chairperson Leni Robredo ang pagiging isa sa mga Hauser Leaders sa prestihiyusong Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership.

Pagbabahagi ni Robredo, hindi siya mananatili ng buong fall semester sa Cambridge, Massachusetts para mapamunuan pa rin ang Angat Buhay.

“Sandali lang naman ako mawawala. Nakiusap po ako na hindi po ako pwedeng entire semester. So nandun po ako mula October hanggang December. Pero uuwi ako dito ng November. Merong break in between na nandito ako uuwi ako,” ani Robredo sa isang pahayag kamakailan.

Bilang isa sa mga napiling kapita-pitagang lider mula sa iba’t ibang parte ng mundo, si Robredo ay inatasang magbigay ng lecture at makipagtalastasan sa Harvard community kabilang na rito ang mga estudyante, faculty at alumni.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pangako naman ni Robredo na siya pa rin ang mamamahala sa Angat Buhay sa kabila ng abalang schedule.

“Mag-schedule tayo ng maraming events sa museum [Museo ng Pag-asa] when I’m here. Pero I will be on top of everything. Ngayon, araw-araw ako nag-oopisina. Pero kahit nandon ako, I will be top of everything kahit ano na lang, reels of YouTube, makikita niyo ‘ko,” pagtitiyak ni Robredo.

Nauna nang binanatan ni Robredo ang mga trolls na patuloy na iginigiit na siya’y isang “bobo,” o “lutang” sa gitna ng kabi-kabilang pagkilala ng ilang prestihiyusong academic institutions sa kaniyang husay.

Basahin: Atty. Leni, nag-react sa trolls na tumatawag sa kaniya ng ‘bobo’, ‘lutang’, at ‘madumb’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Hindi naman sa pagyayabang pero parang ang feeling ko kasi, sagot iyon ng Diyos para sa kanila,” ani Robredo habang ipinuntong hindi niya hiningi ang mga pagkilalang iginawad sa kaniya.