Sama-samang ginunita ng mga taga-hanga at mahal sa buhay and ikalawang death anniversary ng 'Pinoy vlogger na si Lloyd Cadena, na nakilala rin sa tawag na "Kween LC."

Pinangunahan ni Lorita Cadena o mas kilala bilang si "Mother Kween," dinalaw nila ang puntod ni Lloyd sa anibersaryo ng pagkamatay nito.

"Maraming Salamat sa lahat ng Pumunta ngayong araw sa pag gunita ng 2nd Death Anniversary ni Ondoy Lloyd," ani Mother Kween sa isang Facebook post.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hiniling naman ng ina ni Lloyd na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa yumao niyang anak.

Aniya, "Rain or Shine solid kayo. Mahal namin kayo guys. Ipag patuloy po nating ipag dasal si Lloyd. Kita kita tayo ulit sa susunod."

Matatandaan na noong Setyembre 4, 2020, mahigit dalawang linggo bago ang kanyang ika-27 na kaarawan, payapang pumanaw ang vlogger sa edad na 26.

Namatay si Cadena dahil sa atake sa puso ilang araw lamang matapos siyang magpositibo sa coronavirus.