'Yung bigla kang nagkaroon ng salon'

Shinare ng 'Wais na Misis' at businesswoman na si Neri Miranda ang biglang pagkakaroon niya ng salon na tinawag niyang "ExtraordiNeri."

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, Setyembre 5, ikinuwento ni Neri ang nangyari kung bakit bigla siyang nagkaroon ng salon.

"Nagpapasalon lang ako last December at kinausap ako ng staff na mawawalan na raw sila ng trabaho kase magsasara na ang salon na 'to. Baka kung pwede raw ako nang sumalo ng salon para di sila mawalan ng work," sey niya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Ayun, nag-haggle talaga ako. At nagkasundo sa deal na kaya ko lang ilabas. Kaya ayan may @extraordinerisalon salon na ako!" dagdag pa niya. 

Matatagpuan ang kanyang salon sa Serin Ayala Mall sa Tagaytay. Balak din niyang maglagay ng branch sa Cebu at pinaplano rin niyang ipa-franchise ito.

Kamakailan lang, ibinahagi ng kanyang asawa na si Chito Miranda ang bagong negosyo nilang dalawa ni Neri na "Miranda's Rest House."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/18/chito-miranda-tiwala-sa-vision-ni-neri-pagdating-sa-pagnenegosyo/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/18/chito-miranda-tiwala-sa-vision-ni-neri-pagdating-sa-pagnenegosyo/