Tuloy na tuloy na ang global tour ng award-winning P-pop powerhouse SB19 na nakatakdang umarangkada sa kanilang kauna-unahang concert sa “The Big Apple” sa darating na Nobyembre.

Kasunod ng kanilang pangmalakasang comeback na “Where You At” nitong Biyernes, opisyal na inanunsyo ng dalawang concert producers ang all-set nang pagtatanghal ng SB19 sa New York.

Basahin: P-pop kings SB19, back in the zone sa kanilang retro disco track ‘WYAT’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Parehong kinumpirma sa anunsyo ng CNCA at Lx2 Entertainment nitong Linggo, Setyembre 4, ang pag-arangkada ng “much-awaited US tour” ng grupo sa Palladium Times Square.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Magbubukas ang ticket sales sa Setyembre 5 para sa one-night concert ng grupo at unang leg ng WYAT Tour sa Amerika.

Pumapatak mula $200 hanggang $50 ang presyo ng tickets at meet and greet opportunity sa five-member P-pop group.

Sa countdown ng WYAT release noong Biyernes, excited na ipinabatid nina Stell, Justin, Josh, Ken at Pablo na mas magiging abala ang grupo para sa sunod-sunod na projects sa susunod na mga buwan.

Sa Araneta Coliseum nakatakda ang kick off ng WYAT Tour sa Setyembre 17.