Wala mang nabanggit na dahilan pero may pa-billboard ang social media personality na si Xian Gaza para sa vlogger na si Zeinab Harake.

Shinare ni Gaza ang larawan ng nasabing billboard sa kanyang Facebook account nitong Biyernes, Setyembre 2.

"Ikaw na ba ang bibiko ang bibiko?" ayon sa nakasulat sa billboard.

"Zeinab Harake, will you eat biko with me?" tanong ni Gaza.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Gayunma'ywala pang reaksyon o sagot si Zeinab hinggil dito.

Bago ang pa-billboard, chumika muna ang social media personality tungkol sa pagkikita nila ni Zeinab sa Rimowa Marina Bay Sands sa Singapore noong Agosto 29. 

Chika niya, nakasama niyang mag-walwal o mag-inom si Zeinab kasama ang kapatid nitong Rana at dalawa pang kaibigan. Doon ay nalaman niya raw kung ano ang totoong pagkatao ni Zeinab.

"Zeinab was so drunk kaya lumabas tuloy ang kanyang tunay na kulay at pagkatao. Bunganga niya ay parang machine gun. Punong-puno ng emosyon at kadramahan. Panis ang KMJS at Maalaala Mo Kaya," sey ni Gaza.

Tila naging open book daw ang vlogger noong panahon na iyon dahil ikinuwento nito ang lahat lahat tungkol sa kanya.

"I found out na 12 years old pa lamang siya ay nagtatrabaho na siya. Naranasan din niyang matulog sa kalsada kasama ang kanyang ina. Buong family background niya ay aking nalaman. Inopen book niya sa akin ang lahat-lahat. No holds barred. Walang preno. Salamat sa impluwensya ng alak," chika pa ni Gaza.

"What I admire about her the most is yung kanyang matinding pagmamahal sa dalawa niyang anak lalong-lalo na kay Bia. Naiiyak pa ang lola mong lasheng habang nagkukwento sa harap namin. Ramdam na ramdam ko yung sincerity ng bawat salitang binibigkas niya. Bilib na bilib ako dahil parehas kaming may dalawang anak (1 boy, 1 girl) pero napakalayo ko sa kanya. Isa siyang ulirang ina and ama na rin at the same time," dagdag pa nito.

Napag-alaman din daw ng social media personality na wala raw pake sa pera si Zeinab. Mas inuuna raw nito ang ibang tao kaysa sa sarili niya.

"I also found out na siya pala yung tao na walang pake sa pera, kabaligtaran ko na mukhang pera. Tutulungan muna niya ang lahat bago gastusan ang sarili niya. Iyon ang dahilan kung bakit siya naperahan ng husto nung ex-boyfriend niya na mukhang paa na walang ibang ginawa kun'di i-manipulate at i-gaslight siya for 3 long years. Kung maririnig niyo lang ang bawat kwento, nako po, sobrang lala. Ako'y sobrang naawa.

"Marami pa akong nalaman at natuklasan ngunit subalit datapwa't alalaong baga'y hindi ko na ito maaaring i-splook pa sa publiko. Because of Black Label, I found out that Zeinab is a beautiful woman with a beautiful heart. Napakabuting tao. Very genuine person."

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpagawa ng billboard si Gaza para sa isang babae. Katunayan, pangatlo na si Zeinab.

Una rito noong niyaya niya ng isang coffee date ang aktres na si Erich Gonzalesnoong 2017. Matatandaang nag-viral ito sa social media ngunit kalauna'y tinurn down ito ng aktres.

Ang pangalawa ay 'yung niyaya niyang mag-dinner angK-pop group Blackpink member na si Jennie Kim noong nakaraang taon.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/11/02/blinks-naalarma-sa-pa-billboard-ni-xian-leavejenniealone-trending-online/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/11/02/blinks-naalarma-sa-pa-billboard-ni-xian-leavejenniealone-trending-online/