Itinampok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang mga makabagong bayaning Pilipino sa kaniyang vlog, na aniya ay nararapat saluduhan.
"BBM VLOG 224: Saludo sa ating mga Bayani," ayon sa tweet ng opisyal na Twitter account ni PBBM.
"Ang ating mga OFW, atleta, guro, healthcare workers, at marami pang iba ay mga bayaning magsusulong sa atin tungo sa bagong Pilipinas."
"Lagi nating tandaan, ang kabayanihan ay matatagpuan sa Pilipinong may pagmamahal sa bayan," aniya.
Inanyayahan ni PBBM ang mga netizen na panoorin ang kaniyang vlog #224.
"Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang ating mga bayani!" ani PBBM.
Ibinida rin ni PBBM sa kaniyang vlog ang tagumpay na dinala ng "Gilas Pilipinas" kung saan napanood mismo ito ng pangulo.