Nagulat na lamang ang may-ari ng isang babuyan o piggery sa E.B. Magalona, Negros Occidental na nagngangalang "Dailyn" nang bumungad sa kanila ang isang kakaibang biik, na isinilang ng isa sa kanilang mga inahing baboy.

Ayon kay Dailyn, nagulat siya at ang kaniyang pamilya nang mabungaran ang kakaibang anyo ng biik: magkakadikit ang malaking mata nito, may snout na tila sa ilong elepante na nasa bandang noo, at nakalawit ang dila nito.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Baka premature."

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"Para siyang isang elepante… pero baka suwerte 'yan, kakaiba sana buhayin nila… kumbaga sa tao parang premature."

"Baka pinaglihi nung inahin sa elepante? Hahaha."

Ilang minuto simula nang lumabas mula sa inahing baboy ay pumanaw rin ang naturang kakatwang biik. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa pamilya kung bakit nagkagayon ang hitsura ng biik, dahil ang mga kapatid nito ay maayos naman ang hitsura.