Ibinahagi ng social media personality na si Viy Cortez ang ilang larawan sa naganap na ground breaking ceremony ng kanilang magiging bagong bahay ni Cong TV. 

Kuwento ni Viy, sobra pa sa pangarap niyang bahay ang ibinigay sa kanya ng Panginoon. 

"Dati sabi ko sa sarili ko, bago ako magkaroon ng sariling bahay dapat mabigyan ko muna ang mga magulang ko. After 2 yrs na nagawa ko yun binigyan ako ng Panginoon ng sobrang gandang bahay sobra sobra pa sa pinangarap ko," sey niya sa isang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 1.

"Totoo nga na pag di mo kakalimutan ang mga magulang mo sobra sobra ang balik sayo," dagdag pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, binati ni Viy ang kanyang partner dahil nga magkakaroon na sila ng sariling bahay. Matagal na rin umano nilang pangarap ito.

"Congrats satin mahal magkakaroon na tayo ng sariling bahay. Tara love Cong TV tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama!"

Umani naman ng mga pagbati ang nasabing Facebook post ni Viy.

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/08/08/viy-cortez-ibinalandra-ang-design-ng-kanilang-bonggang-dream-house/">Viy Cortez, ibinalandra ang design ng kanilang bonggang dream house