Hindi ikinatuwa ng ilang netizens ang viral na video na kung saan ay naghaharutan umano sina Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos Rep. Sandro Marcos at Rep. Aniela Tolentino.

Isang viral na Tiktok clip ang nagpakita kay Cavite 8th District Rep. Aniela Tolentino na nagpupumilit na panatilihing kalmado habang nagbabasa ng mga item sa Order of Business (OB) ng Kamara para sa araw na iyon. Nang mag-buckle siya, humagikgik si Sandro.

Makikita kasi sa isang viral TikTok clip na pinipilit na manatiling kalmado ni Tolentino nang magbasa ng mga item sa Order of Business (OB) ng Kamara para sa araw na iyon habang dini-distract ni Marcos.

Tumugon naman si Tolentino sa pamamagitan ng mapaglarong paghampas sa braso ni Sandro habang patuloy sa pagbabasa mula sa OB. Sinundan naman ito ng pagtawa ni Marcos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napahagikhik naman si Tolentino habang distracted na ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Ang naging gawin ng dalawa ay tila nagpainis sa netizens dahil hindi nila ito ikinatuwa at sinabing ginagawang playground ang Kongreso lalo na nasa gitna ng session.

https://twitter.com/ALTbatR0SE/status/1565049882267639808?s=20&t=AFbEx1q4V7PU6wwkVc-gHw

"REALTALK PARANG GINAWANG PLAYGROUND/BREEDING GROUND FOR FUTURE PULPULITIKOS AND TRAPOS ITONG CONGRESS NG MGA BAGONG GENERASYON NG MGA DYNASTIES. KASALANAN TO NG MGA BENTA BOTO AT MGA BUMUBOTO DAHIL S YAMAN, POPULARIDAD AT PANGALAN O PAMILYA NG KANDIDATO," reply ng isang netizen sa uploaded TikTok video sa Twitter.

Screengrab mula sa Twitter

"May oras ng lande at harutan may oras ng trabaho. Dito napupunta taxes natin? Napakasahol. Buti kung may results pero tangina pahirap lalo eh," galit na komento ng isang netizen.

Screengrab mula sa Twitter

"Playground na nila ang gubyerno, hindi na daw dapat sineseryoso," dagdag pa ng isang Twitter user.

Screengrab mula sa Twitter

"HoR has become the extended playground for spoiled brats. Disgusting!"

Screengrab mula sa Twitter

"mga hinayupak, ginagawang playground ang kongreso … kasalanan yan ng 31M na pumili sa mga katulad nito … saan na kaya pupulutin Pilipinas pag ganito mga lider natin,,,"

Screengrab mula sa Twitter

Si Tolentino ay seatmate at fellow neophyte solon ni Marcos sa 19th Congress.

Matatandaan na kamakailan lamang ay pumutok ang balita na 'super close' ni Marcos kay actress-singer na si Alexa Miro.

BASAHIN: Alexa Miro, inaming super close sila ni Sandro Marcos

Sa isang interview ni Alexa sa mamamahayag na si Mj Marfori ng TV5, itinanong sa kaniya kung “strict” ba si Sandro sa tuwing may sexy production number siya.

“As a friend?” natatawang tanong ni Alexa. “As a friend, hindi naman.”

“Very supportive plus he also shares tips with how I should go about my career pathing,” sagot ng dalaga.

“Parang nagbibigay lang din siya ng advice na, ‘Should you go down this path? Maybe you should limit this. Or maybe you can excel more in this area’,” dagdag pa niya.

Mukhang aware naman ang dalaga na may mga paparazzi na nakapaligid sa kanila. Kaya’t sinabi niya sa kaniyang interview na super close sila ng presidential son.