Nilinaw ni Unkabogable Star Vice Ganda na hindi sila nag-away ng komedyanteng si Ate Gay. 

"Actually nakakatawa 'yung nagkaayos kasi hindi naman kami nag-away niyan [Ate Gay]," paglilinaw ni Vice sa kanyang interview sa naganap na Preview Ball 2022 nitong Miyerkules, Agosto 31.

"Kaya 'yung mga headline na nagkaayos si Ate Gay at si Vice Ganda, hindi naman kami nag-away to begin with," sey pa niya.

Matatandaang noong Setyembre 2021 ay naging isyu umano ang paglalabas ng detalye ni Ate Gay kung magkano ang halaga ng naitulong ni Vice Ganda para sa kaniyang pagpapagamot.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Basahin:https://balita.net.ph/2021/09/10/ate-gay-nilista-ang-halaga-ng-perang-binigay-sa-kanya-ng-mga-artistang-tumulong-pang-supalpal-sa-basher/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/09/10/ate-gay-nilista-ang-halaga-ng-perang-binigay-sa-kanya-ng-mga-artistang-tumulong-pang-supalpal-sa-basher/

Kinuyog umano ng mga basher si Vice dahil tila “naliitan” sila sa tulong na ibinigay nito kay Ate Gay, gayong milyonaryo na raw naman ito.

Giit ni Vice sa isang episode ng kanilang noontime show, ang pagtulong na ginawa niya sa isang taong nangangailangan ay hindi umano kailangan ng acknowledgement, kundi appreciation lamang. Naniniwala ang madlang pipol na ang pinatutungkulan niya ay si Ate Gay.

Kaagad namang nagpaabot ng tawad si Ate Gay sa pamamagitan ng dating manager at kaibigan ni Vice na si Ogie Diaz.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/09/18/vice-ganda-pinaringgan-nga-ba-si-ate-gay/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/09/18/vice-ganda-pinaringgan-nga-ba-si-ate-gay/

Samantala, ibinahagi ni Ate Gay sa kanyang Instagram noong Biyernes, Agosto 26, na nagkita sila ni Vice Ganda.

May simpleng caption itong “Love love love..” kalakip ang litrato nila ni Meme ngunit hindi naman nabanggit kung saan at kung paano sila nagkita.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/30/vice-ganda-at-ate-gay-nagkabati-na/