Nais ni Manila Mayor Honey Lacuna na matiyak na walang daya ang mga timbangan ng mga tindero sa mga palengke para na rin sa kapakanan ng mga mamimili.

Kaugnay nito, nabatid nitong Huwebes na inatasan ng alkalde ang isang binuong grupo mula saCity Hall na mag-ikot sa mga palengke upang tiyakin na maayos at walang daya ang mga timbangan na ginagamit dito upang pangalagaan ang mga mamimili mula sa posibilidad na maloko ng mga vendors.

Ayon kay Lacuna, gagawin ng city government ang lahat sa abot ng kapangyarihan nito upang matiyak na hindi maloloko ang mga mamimili at masayang ang kanilang pinaghirapang salapi.

“Sa mga manininda ng karne, baboy, isda at gulay, may continued inspection para tiyakin na tama ang presyo at ang timbangan ay walang pandaraya,” aniya pa.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Kaugnay pa nito, iniutos din ni Lacuna ang regular na inspeksiyon ng mga pampublikong pamilihan upang siguruhing lahat ng nagtatrabaho dito ay mayroong kaukulang health certificates.

Layunin aniya nito na tiyaking sariwa at malinis ang mga itinitindang hilaw na pagkain tulad ng karne, isda at gulay ng mga vendors at ligtas, malinis at maayosdin ang kanilang paghawak sa mga ito.

Samantala, inanunsyo ng lady mayor ang pagkakakumpiska ng may P250,000 halaga ng mgasmuggled chicken breasts mula sa China.

Personal na ininspeksyon ni Lacuna ang mga nasabat na pitso ng manok sa isang bodega sa Tondo ng Veterinary Inspection Board (VIB).

Agad ring ipinag-utos ng alkalde ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga tao na nasa likod ng nasabing iregularidad at gayundin ang wastong pagsira sa mga nasabat na pitso ng manok.