'Forda ride na sa LRT-2 mga students!'

Patuloy pa rin ipinagkakaloob ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 para sa mga estudyante. 

Ayon sa DOTr magpapatuloy ang libreng sakay hanggang Nobyembre 5, 2022 na sinimulan noong Agosto 22, 2022.

Upang makapag-avail ng libreng sakay, kailangan lamang ng mga estudyante na iprisinta ang kanilang orihinal na school ID o original na registration form sa Passenger Assistance Office (PAO) para mabigyan sila ng Free Ride Single Journey Ticket Ticket. 

National

VP Sara, pinuri militar sa pagtugis sa lider ng NPA: ‘Tuluyang ibagsak ang CPP-NPA-NDF!’

Paalala ng DOTr, iwasan ang pagtakbo ang pag-uunahan sa tren para makaiwas sa aksidente.

Ang LRT-2 ay siyang nagdudugtong sa Recto Avenue, Maynila at Antipolo City sa Rizal kung saan matatagpuan ang aabot sa 80 unibersidad, kolehiyo at mga paaralan.