'Get professional help'

Iyan ang paulit-ulit na paki-usap ng foreigner na si Ales Vodisek sa asawa nitong Jorryme dahil baka hindi na umano nasa ayos ang pag-iisip nito dahil sa mga nangyari sa kanyang nakaraan.

Sa isang pahayag na inilabas ni Ales sa kanyang bagong vlog na pinamagatang "I Still Love You," hinikayat niya si Jorryme na magpatingin na sa psychiatrist dahil maaaring ang kinikilos ni Jorryme ay epekto ng mga masasamang karanasan.

"I just want to clarify a few things because i cannot be silent anymore because what is happening here is really unfair and they are torturing innocent people who don't deserve this so i will just explain my side of the story," ani Ales.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Dagdag pa ni Ales, pagkatapos umano ng kanilang kasal ay pinilit pa niyang pumunta sila sa munisipalidad para nga ay makapunta sa isang professional at magpatingin.

Dahil umano hindi mentally stable si Jorryme, hindi nito nagagawang tumanggap ng paliwanag at naging "threatened" pa lalo na sa girl bestfriend ni Ales na si Shaira Mae Boyonas.

"Shaira cooked for you. Shaira cleaned your trash around," 'yan umano ang paulit-ulit na sinasabi ni Jorryme dahil "threatened" ito kay Shaira.

Matatandaan na sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jorryme ang umano’y kakaibang pagkilos at pakikitungo ni Shaira kay Ales.

BASAHIN: Astang wife? Afam, rumesbak kay ‘girl bestfriend’

Ani Ales, imbes na pumunta sila sa isang propesyonal, blinock siya ni Jorryme at nagsimulang naglabas umano ng kasinungalingan.

"But instead of talking to the professional — instead of going to a municipality to talk you go and you have no problems to start start sharing the lies and everything this is not acceptable. We could go through together, yes as a husband and wife, i would support you… I… I beg you that we go to talk but you didn't want to talk you didn't want to listen and you block me and then in the language that i don't understand you spreading lies around the Philippines this is not good."

Sinabi pa ni Ales kay Jorryme na wala namang masama kung magpapatingin ito sa propesyonal dahil marami nang bagay ang pumapasok sa pag-iisip ni Jorryme kaya hindi ito umaakto sa ayos.

Hindi man naging malinaw ang disposisyon ng kanilang relasyon, hiniling naman ni Ales na pakinggan ang suhestyon nito at magkaroon ng magandang buhay si Jorryme dahil mabuting tao ito.

"I wish you have a good life and I hope that you will listen to me, Jorryme, and you will seek the help because you I know that you're a good person inside you just have to fix this that you can live a better life in the future," ani Ales.

Samantala, matatandaan rin na dumipensa si Shaira, ang tinaguriang “girl bestfriend” at umanong umaastang asawa sa groom at foreigner na si Ales.

BASAHIN: Babae na ‘astang asawa’ sa groom, nagsalita na; pagiging ‘sweet’ kay afam, utos ni photographer?

Ani Shaira, bilang matalik na kaibigan ni Ales, ang naging gawi niya sa kasal ay dahil sa utos ng photographer.

Aniya, “Ako bilang isang kaibigan, ginawa ko lang yung part ko, gaya noong kasal nila at yung mga pictures na nakikita niyo na mas sweet pa kami, ‘yun ‘yung utos sakin ng photographer, yun lang naman ginawa namin wala nang iba.”