Saglit na itinigil ng British singer na si Harry Styles ang kaniyang concert sa Madison Square Garden sa New York, USA matapos siyang batuhin ng chicken nuggets mula sa audience.

Agad na pinulot ni Harry ang chicken nuggets na nasa entablado at tinanong ang mga manonood.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

https://twitter.com/kiwik94/status/1563719175088087040

"Who threw the chicken nugget?" nakangiti pa ring sigaw niya habang hawak ang isang piraso ng chicken nugget.

Nag-chant naman ang mga manonood na kainin niya ito.

"I don't eat chicken, sorry! I don't eat meat," aniya.

Pinulot pa ni Harry ang isang chicken nugget.

"First of all. This is cold. And I'm assuming very old," aniya pa.

May mga manonood namang humiling sa kaniya na ibalik ang chicken nuggets.

"You would like to have it back? Why? Because?!" masayang tanong ni Harry bago ihagis pabalik ang chicken nugget.

"Now it's on the floor. Don't go looking for it, we'll get you another nugget," ani Harry bago muling ipinagpatuloy ang concert.