Nasa 1.3 billion na ang kabuuang views ni Alex Gonzaga sa kaniyang YouTube channel kasabay ng kaniyang 13 million subscribers milestone.

Abot-abot ang pasasalamat ng YouTube star at aktres na si Alex Gonzaga sa patuloy na suporta ng kaniyang online followers sa kaniyang lumalaking online influence.

“Netizens we are now 13M! 🥹 Thank you sa inyong lahat. Sa limang taon natin magkakasama marami man ang nawala pero mas marami kayo dumagdag, nagstay at nagmamahal kaya tayo tumagal at umabot dito! You are all a blessing! Praise God! 🙏🏼” mababasa sa Instagram post ng aktres, nitong Martes.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Taong 2017 nang unang ilunsad ni Alex ang kaniyang channel na tampok ang ilang kuwelang pasilip sa buhay ng aktres kasama ang mga kaibigan, at pamilya.

Nasa channel din in-upload ang ilang hit songs ni Alex na “Chambe,” “Amfee” at “Tipints.”

Kasalukuyang pumatak na sa 1,308,542,890 ang kabuuang views ni Alex sa pag-uulat.