Wala na palang kontrata sa GMA-7 ang dating Kapuso na si Kim Rodriguez kaya pala hindi na siya nakikita sa anumang teleserye o sa mga weekly drama ng Kapuso network. Pero may bagong balita tungkol sa kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon.

Na-korner kasi ng Balita Online si Kim sa awards night ng the 6th Outstanding Men and Women of the Philippines and Philippine Brand of the Year na ginanap sa Teatrino Promenade, Greenhills San Juan City nitong nakaraang Sabado. Dahil isa siya sa mga awardees ng nasabing event at tinanghal na Female of the Night award.

Masayang ibinalita ni Kim na mayroon daw siyang bagong teleserye at ayaw niyang banggitin kung ano, basta primetime raw ito at ongoing daw itong napapanood sa TV. Tsaka na lang daw niya sasabihin kung ano ito kapag lumabas na ang character niya.

Sa sinabi niya madali lang mahulaan, kumbaga alam na this. Kung wala na siyang kontrata sa GMA-7 malamang sa kabilang network yung teleserye, sa ABS-CBN. 

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Napag-alaman na lalabas umano si Kim bilang kontrabida sa teleseryeng 'Darna.'

Actually nasasabik na ang aktres para sa kanyang character kaya nga pati yung gown na isinuot niya sa event ay inspired daw umano sa kanyang role. Sey niya, “Super excited na ako kasi panibagong journey, panibagong Kim, ayun nga. Iba talaga ito sa dating mga role na ginampanan ko. First time na mala-action. Nagte-training kami for that teleserye.”