Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na may appointment ang pagbisita ni dating Vice President at Angat Buhay Chairperson Leni Robredo sa ahensya kamakailan.

Sa panayam ni Tulfo sa 'Dos Por Dos with Anthony Taberna & Gerry Baja' ng DZRH noong Agosto 29, tinanong siya ni Taberna kung naka-appointment ba ang pagpunta ni Robredo sa DSWD.

"Opo nagpa-appointment siya at tinanggap naman po natin ang kanyang appointment as Angat Buhay representative. Alam naman po nating isa pong foundation ito," saad ni Tulfo.

"Ang napag-usapan po ay may mga volunteers na po sila na maaaring makatulong sa DSWD, mga volunteers na nasa malalayong lugar, sa mga liblib na lugar. Sabi niya [Robredo] na baka makatulong kami sa pagbibigay ng impormasyon at pahatiran ng tulong yung mga bayan na malalayong lugar," dagdag pa nito.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Saad din ng Kalihim na pumayag sila dahil ito naman daw ay voluntary. 

Bagama't nilinaw niya na walang kolaborasyon na naganap sa pagitan ng DSWD at Angat Buhay. 

"Yung sinasabi pong collaboration, 'di ko alam na may lumalabas-labas sa social media na may collaboration ang DSWD at Angat Buhay, hindi po puwede yung makipag-collab kami sa mga foundation. Pero kung tulong na libre naman po kagaya po niyang volunteer pu-puwede po," aniya.

Dagdag pa niya, wala raw iminungkahing kolaborasyon ang Angat Buhay sa ahensya.

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/08/30/exec-director-ng-angat-buhay-naglabas-ng-resibo-tungkol-sa-pagbisita-ni-robredo-sa-dswd/