Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ilalabas na nila sa Setyembre ang desisyon sa hirit na ₱2 na dagdag na pasahe sa public utility jeepney.
Sinabi ni LTFRB chief Cheloy Garafil, asahan na ang dagdag na pasahe sa PUJ dahil mahabang panahon na rin ang lumipas nang huling magpatupad nito.
Nauna nang idinahilan ng mga transport group ang tuluy-tuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa
"They're due talaga naman na for increase. Kasi the last time we had this fare rate increase was ang level pa lang ng diesel nun was I think 44 pesos per liter.It's just a question of that, kung magkano 'yung mabibigay namin na hindi siya magkakaroon ng malaking impact sa inflation at siyempredu'nsa ating commuters who will bear the brunt of this fare hike naaingi-implement," banggit nito sa mga mamamahayag.
“Dito sa fare hike petitions ng mga jeepney, actually, nandiyan na ang NEDA (National Economic and Development Authority) position. They already submitted their position on it andwe’rewaiting for their memorandum on September 3 and then we can act accordingly,” dagdag pa nito.