Sino kaya ang premyadong aktres na ito na naba-blind item na "tinalakan" at pinagsabihan daw ang kaniyang naka-eksenang hunk actor, at pinayuhan niyang hasain pa ang acting skills at sumailalim pa sa mga workshop?

Ayon sa pa-blind item ng Philippine Entertainment Portal o PEP, marami raw ang nagulat sa ginawa ng batikang aktres kay bortang aktor, dahil hindi naman daw ganito ang pagkakakilala ng lahat sa aktres; sa katunayan, isa raw ito sa mga celebrity na maayos makisama noon pa man.

Iniisip na lang tuloy ng mga staff ng naturang proyekto na baka may pinagdaraanan daw ang naturang aktres kaya medyo wala sa mood. Napansin din umano nila na "nagmamabagal" sa pagkilos ang premyadong aktres kapag malapit nang matapos ang 14 working hours na kailangan lamang gamitin sa taping, upang sa susunod na taping na lamang makunan ang mga eksena niya.

Muli, hindi raw ganito ang attitude ng naturang batikang aktres kaya nagtataka sila sa ikinikilos nito.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Anyway, sa kabilang banda raw ay marami-rami ang lihim na natuwa sa ginawa ng premyadong aktres sa bortang aktor dahil medyo "may hangin" na raw ito, kaya't nararapat lamang daw na magsilbing hamon sa kaniya ang pamamahiyang ginawa ng batikang aktres.