Iniulat ng OCTA Research Group nitong Lunes na unti-unti nang bumababa ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) positivity rate sa National Capital Region (NCR) at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nitong Agosto 27 aymayroon na lamang 12.9% na positivity rateangMetro Manila mula sa dating 14.6% noong Agosto 20.

Halos lahat din aniya ng mga lalawigan sa Luzon ay nakitaan na rin ng pagbaba sa kanilang positivity rate.

Aniya, ang positivity rate ng Bataan ay bumaba na lamang sa 8.8% nitong Agosto 27, mula sa dating 10.5% noong Agosto 20.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Dahil dito, ang Bataan aniya ang nag-iisang lalawigan sa Luzon na mayroong positivity rate na mas mababa sa 10%.

Bumaba rin aniya ang positivity rate ng Albay, Cagayan, Camarines Sur, Isabela, La Union, Nueva Ecija at Tarlac, ngunit nananatili pa rin aniyang “very high.”