Siyam na pasahero at tatlong crew members ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na galing sa Los Angeles ang nasaktan nang makaranas ng matinding turbulence sa himpapawid nitong Linggo.
Sa pahayag ng PAL, nasa himpapawid ang Flight PR113 na nanggaling ng LA nang biglang magkaroon ng turbulence dalawang oras bago pa ito lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Siyam na pasahero at tatlong crew ang nasaktan sa insidente.
Inihayag ng PAL, paglapag ng eroplano ay kaagad na isinugod sa ospital ang mga nasaktang pasahero.
"As of 10 a.m. today August 29, one passenger remains confined at the hospital, while the others have been discharged after treatment," banggit ng PAL.
"We are in the process of reaching out to the affected passengers and coordinating passenger wellness. This turbulence was not detectable on the aircraft’s onboard weather radar system, hence there was no advance warning. We affirm that safety is our top priority and that Philippine Airlines is fully cooperating with the concerned airport and aviation authorities," dagdag pa nito.
Noong Nobyembre 22, 2019, nagkaaberya na rin ang nasabing flight PR113 mula Los Angeles patungong Manila nang biglang masunog ang makina nito sa kanang bahagi ng pakpak ilang minuto matapos mag-takeoff.
Kaagad na bumalik sa Los Angeles International Airport (LAX) ang eroplano at ligtas na nailapag ang 300 na pasahero.
ReplyForward