Kagaya ng naunang anunsyo, usap-usapan ngayon ang nakatakdang pagsabak ni Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol sa isang international pageant na nakumpirma umanong Miss Planet International.

Ito’y kasunod ng anunsyo ng manager ng beauty queen na si Wilbert Tolentino noong unang linggo ng buwan.

Basahin: Herlene Budol, sasabak sa isang international pageant, sey ng kaniyang talent manager – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ayon sa Facebook post ng Miss Planet International, ang finale ngayong taon ay gaganapin sa Kampala, Uganda sa Africa, sa darating na Nobyembre 19.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mababasa rin sa online page ng international pageant ang layunin nito na, “To seek the perfect women to represent our mission to preserve our beautiful planet.”

Tumatalima rin sa Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations Development Program (UNDP) ang pageant brand.

Samantala, wala pang opisyal na anunsyo sina Herlene at Wilbert ukol sa umugong na balita mula sa ilang online pageant communities.