Isang masugid na tagahanga ni American singer-songwriter Billie Eilish ang nagbebenta ng hanging hininga nito, sa halagang SGD5,000 o ₱604,650.

Kamakailan lamang ay nagsagawa si Billie ng concert sa bansang Singapore. Noong Agosto 21, isang netizen na na may account name na @rev1on ang nag-post sa "Carousell" ng dalawang litrato ng "very rare air" na nakasilid sa isang sealed plastic bag, at ang isa naman ay nasa loob ng plastic container.

"I stood at the very front and managed to get her air in the plastic when she screamed her lungs out during the concert! For those who missed the concert you can buy this!! Very rare air!!" saad sa deskripsiyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Larawan mula sa Carousell/@rev1on

Sa kasalukuyan ay wala na sa Carousell ang listing, na hindi malaman kung tinanggal din ng seller o ng mismong E-commerce marketplace na nakabase sa Singapore. Hindi rin sigurado kung may kumagat pang bilhin ito bilang souvenir item.