Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahagi ng isang netizen mula sa Chrysanthemum Village, San Pedro, Laguna, matapos umanong maunsyami ang pagkidnap sana sa misis at kapatid na babae ng isang lalaki noong Agosto 26, 2022.

Malaki ang pasasalamat umano ng lalaki na matao nang mga sandaling iyon, kaya hindi naisakatuparan ang pagkuha raw ng mga lalaking nakasakay sa loob ng isang puting van. Mabuti na lamang din at may CCTV footage sa lugar. Nangyari pa ang insidente sa tapat ng isang elementary school.

"August 26, 2022 Around 5:34PM galing palengke sila pauwi ng may huminto na white van sa harap ng Elementary School at sinabihan sila na ang "Ate! ate! mama niyo nasa loob ng van" buti nalang yung angkas rider na nagbaba ng pasahero tumingin sa kanila dalawa at tumitig sa naka-van sa loob, nakahanda na lalaki na hilain sila…"

"Di nila namukhaan kasi nakatakip ng face mask yung lalaki. Tinted ang loob tapos ang nagsasalita ay yun katabi ng driver ng van… presence of mind nalang kaya nakaiwas sila sa pangkakadukot ng mga ito."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Mag-ingat mga kabarangay, naghahanap sila ng tiyempo at mga tao mabibiktima kahit maliwanag pa," ayon sa post.

Sa panahon ngayon, ibayong ingat ang kailangan!