Nakatakda sanang bisitahin ni Atty. Chel Diokno si dating Senador Leila de Lima para sa kaarawan nito ngayong araw ngunit isa siya sa mga personalidad na hindi pinayagan umano ng Philippine National Police (PNP) na bumisita. 

Gayunman, nagpaabot na lamang ng pagbati si Diokno sa pamamagitan ng isang tweet.

"Happy birthday Sen. @AttyLeiladeLima! I was so looking forward to celebrating with you today, only to be informed at the stockade that I could not visit," aniya.

"Dapat palayain kayo ngayon din dahil napakalaking inhustisya ang inyong pagkakulong," dagdag pa niya.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1563412478741975041

Bukod dito, pinaalalahanan din ng dating senatorial aspirant ang PNP tungkol sa Republic Act 7438.

"May I also take this opportunity to remind the Philippine National Police that under R.A. 7438, any person under detention “shall be allowed visits by or conferences with any member of his immediate family, or any medical doctor or priest.

"Or religious minister chosen by him or by any member of his immediate family or by his counsel…;” and that the detainee’s "immediate family" includes “his or her spouse, fiancé or fiancée, parent or child, brother or sister, grandparent or grandchild, uncle or aunt.

"nephew or niece, and guardian or ward.” And under Article 125 of the Revised Penal Code, a detainee “shall be allowed upon his request, to communicate and confer at any time with his attorney or counsel," paglalahad ni Diokno.

Samantala, sinabi rin ni Diokno na patuloy silang maninindigan para sa kalayaan ni de Lima.

"Sen. Leila, patuloy kaming maninindigan para sa inyong kalayaan. Hustisya para kay Sen. Leila, hustisya para sa lahat ng biktima ng pangaabuso!"

Ngayong araw ang ika-63 kaarawan ni De Lima na kung saan anim na taon na niya itong ipinagdiriwang sa loob ng Camp Crame.