Dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 at epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa, ipinagpaliban ng Department of Education (DepEd) ang pagho-host ng 12th ASEAN Schools Games na itinakda sa Nobyembre ngayong taon.

Ginawa ito ng kagawaran sa pamamagitan ng DepEd Memorandum No. 71 series of 2022 na nilagdaan ni Undersecretary at Chief of Staff Epimaco Densing III noong Agosto 19.

Inanunsyo ng DepEd sa pamamagitan ng DM No. 36, s.2022 ang rescheduling ng Philippines’ Hosting of the 12th ASEAN Schools Games at DM 42, s. 2022 na pinamagatang Philippines’ Participation and Selection of the Members of the Delegation to the 12th ASEAN Schools Games.

Gayunpaman, "batay sa objective assessment ng kasalukuyang sitwasyon ng Covid-19 Pandemic, pati na rin ang epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas," inihayag ng DepEd ang pagpapaliban sa pagho-host ng Pilipinas sa international school sports competition ngayong taon na nilahukan ng ASEAN School Sports Council (ASSC) member-countries.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Sa kasalukuyan, binanggit ng DepEd na ang “Pilipinas ay nakararanas ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa pagtuklas ng malaking bilang ng Omicron BA.5 subvariant” ng Department of Health (DOH).

“Moreover, the impact of the Covid- 19 pandemic on the country’s economy has affected the capability to host the international school sports event,” dagdag ng DepEd.

Kasunod ng anunsyo na ito, sinabi ng DepEd na binawi rin ang National Executive Committee (NEC) at ang iba't ibang technical working committees para sa hosting ng 12th ASEAN Schools Games (ASG).

“Further, all scheduled activities leading to the 12th ASG are suspended,” anang DepEd.

Bukod dito, sinabi ng DepEd na ang lahat ng mga kaugnay na isyu na hindi naaayon sa pinakabagong memorandum ay "pinawalang-bisa, binawi, at binago" nang naaayon.

Merlina Hernando-Malipot