Nagdadalamhati ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa pagpanaw ng kanyang fur baby na si Matty. 

Ibinahagi ito ni Chie sa isang Instagram post nitong Biyernes, Agosto 26.

"I didn’t know angels came with four paws till I met you Mattyboo, thank you for completing our home and thank you for completing me," panimula ni Chie.

"Si Matty kahit hindi ako umiyak alam niya kapag malungkot ako at alam niya paano ako pasayahin kahit matampuhin siya kasi madalas ako wala sa bahay but he still never fails to put a smile on my face. Wala ng mangungulit at uutusan ako kunin yung bola niya," dagdag pa ni Chie.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa kanyang fur baby.

"You’re so strong Matty, inantay mo pa din birthday ko. Grabe no words can describe how painful it is to lose you but I know you’re no longer in pain now. Mahal na mahal kita Matmat. Run free."

Nakiramay naman ang mga malalapit na kaibigan ng aktres sa showbiz. Kabilang dito sina Loisa Andalio, Maris Racal, Janine Gutierrez, Samantha Bernardo, Karen Bordador, at iba pa.