May pagka-klaro ang foreigner na si Ales Vodisek hinggil sa isyu ng umanong pag-astang asawa ng "girl bestfriend" nitong si Shaira Mae Boyonas sa kanya.

Matatandaan na sa isang Facebook post, ibinahagi ng asawa ni Ales na si Jorryme ang umano'y kakaibang pagkilos at pakikitungo ni Shaira kay Ales.

Ibinahagi pa ni Jorryme na sa kinagabihan pagkatapos ng kanilang kasal na dapat ay honeymoon ang gagawin nilang mag-asawa ay si Shaira pa ang inasikaso ni afam dahil nagpapa-comfort umano ito.

"Naging girl bestfriend din naman ako pero never po akong umastang asawa," ani Jorryme. "Dream wedding nga nahimong worst nightmare (Dream wedding na naging worst nightmare)," dagdag pa nito.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Dahil dito, sinabi ni Jorryme na siya na lamang ang didistasya.

"Hi dzaii SHAIRA MAE BOYONAS since blinock mo na ako, dito tayo mag-usap. Wala na akong pakiaalam kung hanggang saan tayo umabot, i will fight for my right. Pero ngayon, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin, mamamatay ako nang maaga kung hindi ko maipalabas ang nararamdaman ko," ani Jorryme sa isang post na naglalaman ng screenshots ng usapan nila ni Shaira.

Bakit ganyan kayo ka-walang puso? Hanggang kailang ako mag-aadjust para sa inyong dalawa? 'Di ba nag-usap na tayo na dumistansya ka na sa kanya? NAG-USAP NA TAYO 'DI BA? ANONG GINAWA MO, AKO LANG YUNG BLINOCK MO PARA 'DI NA KITA MAISTORBO. Baliktad na pala ang mundo ngayon? Ang asawa na mismo ang mag-adjust sa BESTFRIEND? Wala na akong pakialam kung mapapahiya tayong lahat. GUSTO MO PALANG SUMIKAT, TUTULUNGAN KO KAYO PARA MAS MADALI. SAYO NA YANG ASAWA KO KUNG GUSTO MO. Magsama kayo dalawa, parehas naman kayo ng utak," mahabang rant ni Jorryme.

Sa isang Facebook post naman ni Ales, pinabulaan nito ang sinabi ni Jorryme at sinabi na kasinungalingan lamang ang mga ito.

"This is to clarify to the issue about us. Only one thing i will say. I did not distance myself from jorryme because of Shaira. I distance myself because of other reasons. Everything on Facebook what jorryme is posting is all lies," ani Ales.

Dagdag pa ni Ales, mabuting tao si Shaira at pinakiusapan ang publiko na itigil na ang pangba-bash sa kanyang girl bestfriend.

"Also the photos you saw me with Shaira on the wedding day is by a photographer say. So i don't think there is a problem on it. Shaira is my best women she is my only family there. Stop saying bad comments to Shaira because you don't know the whole story and definitely you don't know the truth. Shaira is a good person, so don't judge her just because of what you saw in facebook," ani Ales.

Giit pa nito, may mga legal na aksyon silang gagawin laban kay Jorryme at sa lahat ng nagbabahagi ng mga kasinungalingan umano ng asawa niya.