Nanawagan si Senador Raffy Tulfo sa Senado na imbestigahan ang umano'y permanenteng pagsasara ng Colegio de San Lorenzo (CDSL) sa Quezon City.

Kamakailan ay naghain si Tulfo ng Senate Resolution (SR) No. 156 para tuparin ang kanyang pangako sa mga guro ng paaralan na iimbestigahan niya ang "untimely closure" nito.

“The sudden permanent closure of Colegio de San Lorenzo, despite the contingency measures adopted thereafter, has caused extreme prejudice, physical, psychological, and mental anguish to both the students and parents,” anang senador.

Noong Agosto 15, inihayag ng Colegio de San Lorenzo Catholic School sa Barangay Toro, Quezon City ang permanenteng pagsasara nito matapos ang 34 na operasyon.

National

PBBM, lalagdaan 2025 national budget bago mag-Pasko – PCO

Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) spokesman Michael Poa noong Agosto 16 na hindi pormal na ipinaalam ng CDSL sa DepEd ang layunin nitong pagsasara. 

Mario Casayuran