Sa ikatlong pagkakataon, ang non-governmental organization na pinamumunuan ni dating Vice President Leni Robredo ang benepisyaryo ng pinakahuling winning players sa Kapuso game show na “Family Feud.”

Sa episode ng sikat na GMA show nitong Huwebes, nasungkit ng NCAA Courtside Cuties na sina Chantal, Michell, Ann at Christian ang final round ng laro.

Sa pangunguna ng reporters na sina Chantal at Ann, kinapos ang grupo na masungkit ang grand prize na P200,000 na paghahatian sana ng grupo at ng napili nilang charity.

Bagaman olats, nag-uuwi pa rin P20,000 ang napiling charity na sa huli’y ibinigay ng grupo sa “Angat Pinas, Inc” o mas kilala bilang “Angat Buhay.”

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Basahin: Pamilya Calayan, ibibigay na donasyon sa Angat Buhay ang napanalunang premyo sa ‘Family Feud’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito na ang ikatlong beses na naging recipient ang NGO kasunod ng paglalaro nina ng Manny and Pie Calayan family at The Clash Boys kamakailan.