Sinagot ng showbiz personality na si RR Enriquez ang pasaring sa kanya ng ama ni Ruru na si Bong Madrid kamakailan. 

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 25, matapang na sinagot ni RR ang ama ng Kapuso actor.

"Sir @bhongmadrid with all due respect. You are asking me if artista ba ako? Sa tanda mo na yan hindi mo ako kilala? Galing po ako sa Wowowee. Dahil sikat yung show na pinapasukan ko 13 years ago. So baka po somehow nabiyayaan po ako. Baka nga po isa ka pa sa bumili ng mga sexy cover magazines ko," paunang sabi ni RR.

"And by looking at your pictures po sorry din ha ayaw ko po kayo idisrespect but since kayo po una nag post sa akin na nag ask if artista ba ako… Sasagutin ko po ulit kayo. Sure po ako sa ating dalawa mas mukha po akong artista," sey pa niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tila sarkastikong humingi ng pasensya si RR kay Bong dahil nakisawsaw siya sa isyu ni Ruru.

"Pasensya na din po pala kayo if sumawsaw ako sa issue ng anak nyo.. It was already published.. Sumawsaw lang ako. Bakit hindi po yung unang nag publish na @pikapikaph ang inaway nyo? dahil dun ko po sa kanila nakuha ang issue na about walang label… Why kasi takot ka na lalo maissue ang anak mo?

"And one more thing po if you want privacy huwag nyo po pag artistahin ang anak nyo para po may privacy sya.

"Lastly po sa sinasabi nyo na kapag inggit pikit. Sorry po I can’t pikit my eyes dahil hindi po kinakainggitan ang relasyon na walang label pasensya na po. And if you like privacy huwag ka po sumawsaw sa issue ng anak mo.

"Pero ok lang naman atleast ayan napasikat din kita. Compared to your post na 7 comments lang aba gusto ko po sabihin na mas sikat ang pagiging Sawsawera ko kesa sa inyo," patutsada ni RR.

Sinabihan din niyang magbasa nang maayos si Bong dahil wala raw siyang nilagay na hashtag na pray for Bianca.

"PS. Magbasa ka po ng maayos at mukhang mahina ang reading comprehension nyo. I didn’t put any hashtag na pray for Bianca. No bad blood here.. Gusto ko lang po sawsawan yung post nyo bilang sawsawera ako CHAROT."

Matatandaan na pinasaringan ni Bong si RR dahil sa naunang pahayag nito tungkol sa "no label" relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

“Ah heto pala yung RR ENRIQUEZ. Artista ba to? anong show? nagpa-#prayforbianca, gigil daw siya sa 4 years na walang label,” sey niya.

“Hindi niya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY. Daming pwedeng pagkaabalahan buhay pa ng may buhay pinapakialaman. Daming oras ‘di siya busy,” dagdag pa nito.

Sa dulo ng kanyang post ay may hashtag na #paginggitpikit.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/26/ama-ni-ruru-madrid-pinasaringan-si-rr-enriquez-pag-inggit-pikit/