Mahigit na sa 118,000 ang tinamaan ng dengue sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa datos ng DOH, umabot sa 153 porsyentong pagtaas ng kaso nito ngayong 2022 kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Idinahilan ng DOH na noong 2021, naitala lamang ang 46,761 na kaso ng sakit mula Enero hanggang Agosto.
Nakapagtala na ang ahensya ng 118,526 cases sa kaparehong panahong ngayong taon.
Nakitaan ng DOH ng mataas na kaso ng dengue ang Central Luzon, Central Visayas at Metro Manila.