Pinadadalo sa susunod na pagdinig ng Senado ang mga opisyal ng Procurement Service-Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) upang magpaliwanag sa kuwestiyunableng pagbili ng mga ito ng₱2.4 bilyong laptop para sa Department of Education (DepEd).

Partikular na tinukoy ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Francis Tolentino ang mga pumirma sa price analysis document para sa pagbili ng mga laptop.

Nakapaloob sa nasabing dokumentong iniharap sa pagdinig nitong Huwebes ang quotation ng price unit ng supplier at kabuuang halaga ng mga laptop.

Kabilang sa pinatatawag ng Senado ang mga pumirma sa dokumento, kabilang na si Procurement Division officer-in-charge Sharon Baile.

National

VP Sara, 'di nagsisi sa 'death threat' niya kina PBBM, FL Liza, Romualdez

Gayunman, nakita sa dokumento na si James Gabilo ang pumirma sa ngalan ni Baile. Si Gabilo ay deputy ni Baile.

“So James Gabilo is the deputy of Ms. Sharon Baile. We direct the committee secretary to likewise invite Mr. Gabilo, baka pareho na rin ito sa SRA (Sugar Regulatory Administration) na walang authority to sign,” banggit ng senador.

Matatandaang kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang DepEd dahil sa nasabing pagbili ng mga laptop na idinaan sa PS-DBM dahil marami pang pagpipilian sa merkado na mas mura at epektibo.

Ayon sa COA, dahil mahal ang mga biniling laptop, kumulang na ang unit nito kaya hindi nabigyan ang mahigit 28,000 guro na para sana sa ipinatutupad na blended learning sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019.