Hindi makapaniwala ang gurong si Ma'am Mia Guadalupe nang bumulaga sa kaniya ang electric bill niya, na ang babayarang konsumo ng kuryente ay umabot sa ₱700,000.

Sa halip na maimbyerna ang guro mula sa Pili, Camarines Sur, minabuti na lamang niyang idaan sa biro ang "OA sa taas" na electric bill na ito.

"600k lang kaya ang igwa ako. Sisay pwede magpasubli 100k para mabayadan ko ining bill sa CASURECO2 ngunyan na bulan? 😂😂😂 Mabayad ako saaga tulos ta abo ko maputulan kuryente," saad ni Ma'am Pia na may salin sa wikang Tagalog na "600k lang ang meron ako. Sino pwede magpautang ng 100k para mabayaran ko na itong sa CASURECO2 ngayong buwan?Magbabayad na ako bukas kasi baka putulan ako."

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully ng church members nito

Ibinahagi ng netizen ang kaniyang bill na nagpapakita ng bayarin para sa Agosto.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng guro na karaniwang umaabot lamang sa ₱6K hanggang ₱7K ang kanilang buwanang bayarin sa konsumo ng kuryente, kaya naman nawindang siya sa kaniyang nabungaran sa bill.

Kaagad na nagsadya sa tanggapan ng CASURECO II ang guro noong Lunes, Agosto 22. Humingi naman ito ng dispensa sa kanila at inaming nagkamali lamang sila sa pagbasa ng nakonsumong kuryente sa kuntador.

Nasa ₱5K lamang umano ang kailangang bayaran ng guro sa katapusan ng buwan.