Dalawang taong mamamalagi sa Amerika ang ikalawa sa “Tres Marias” ni Angat Buhay Chairperson Leni Robredo na si Tricia para sa kaniyang pagsabak sa prestihiyusong Harvard Medical School.

Ito ang ibinahagi ng ina sa kaniyang Instagram update nitong Martes matapos ihatid sa airport sina Jillian at Tricia.

Sa maikling Instagram video, makikitang unang inihatid ni Robredo sa airport si Jillian, umaga ng Martes, kasama ang panganay na si Aika.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“It’s her 5th year away from home but we still hate goodbyes,” mababasa sa Instagram video kung saan makikitang naluha si Jillian habang pababa ng sasakyan.

Hindi naman malinaw kung sa Amerika rin ang paglipad ng bunsong anak ni Robredo.

Samantala, pagsapit ng gabi ng Martes, si Tricia naman ang makikitang inihatid sa airport at emosyonal na nagpaalam sa kapatid at sa ina.

Basahin: Tricia Robredo, natanggap sa prestihiyusong Harvard Medical School – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Muling sasabak sa pag-aaral si Tricia sa prestihiyusong Ivy-league Harvard Medical School.

“She will be going back to school and will be gone for two years,” mababasa sa Instagram update ng kaniyang ina.

Nauna nang ibinalita ng proud mom ang good news noong Hunyo.

Dalawang taon ang bubunuin ni Tricia sa Harvard Medical School Master of Medical Sciences in Global Health Delivery.

Sa Agosto 31 nakatakdang muling sumabak sa pag-aaral si Tricia.