Hindi malaman ng mananayang si "Nom Gidnas" kung ano ang mararamdaman niya, nang lumabas ang winning combination na tinayaan niya sa 6D Lotto, ayon sa kaniyang ibinahaging post sa isang Facebook page.

Kaya lang ang problema, hindi tumugma sa pagkakasunod-sunod ang kaniyang mga numero!

"Literal na mapapa-shot puno ako kahit di pa Sabado kakaisip dito," saad ng Lotto bettor sa kaniyang caption.

Ang winning combination, batay sa eksaktong order nito, ay 4-8-9-7-0-2.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Screengrab mula sa FB/Homepaslupa Buddies 3.0

Sabi nga sa matandang kasabihan, "Pera na, naging bato pa!" Abot-kamay na sana ang milyones!

Marami naman sa mga netizen ang tila nanghinayang dito.

"Nangyari na sa amin 'yan. Sayang talaga."

"Hirap naman nun exact order sakit sa kalooban niyan hay."

"Muntik ka nang maging Pepito Manaloto, lods HAHAHAHAHAHA."

"Better luck next time na lang daw. Sayang!"