Nagsalita na ang Kapuso actress na si Kylie Padilla hinggil sa kumakalat na issue tungkol sa kanila ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Pati na rin ang issue na buntis umano siya ay kanya ring pinabulaanan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/21/kylie-iniintrigang-nabuntis-ni-gerald-may-problema-nga-ba-sa-relasyon-kay-julia/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/21/kylie-iniintrigang-nabuntis-ni-gerald-may-problema-nga-ba-sa-relasyon-kay-julia/

Sa panayam sa kanya ng Chika Minute sa “24 Oras” pinagtatawanan na lang ni Kylie ang walang katotohanang balita na kumakalat online. 

Sey ni Kylie, “Wala pong katotohanan sa mga lumalabas, magkaibigan lang po kami ni Gerald. Yes! Super professional lang ang relationship namin, nothing else."

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Dagdag pa ni Kylie nag-aalala lang daw siya baka raw may maniwala sa iresponsableng nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya.

Katunayan kababalik lang ni Kylie para sa shoot ng pelikula nilang 'Unravel' na gawa pa sa bansang Switzerland.

Kamakailan nga lang ay naging topic na ito ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube Channel na “Ogie Diaz Showbiz Update.”

Tinukoy niya ang mga netizens na huwag basta agad maniniwala sa mga naglalabasan sa Youtube Channel na ang content ay tungkol sa showbiz industry lalo na kapag naka-turn off ang comment. Gets? Yun na!

|

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/21/kylie-iniintrigang-nabuntis-ni-gerald-may-problema-nga-ba-sa-relasyon-kay-julia/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/21/kylie-iniintrigang-nabuntis-ni-gerald-may-problema-nga-ba-sa-relasyon-kay-julia/