May kabuuang 111 nagtapos ng Pasig City Scholarship Program (PCSP) na nakakuha ng Latin honors sa kani-kanilang mga kolehiyo at unibersidad para sa school year 2021-2022 ang nakatanggap ng P20,000 hanggang P30,000 cash incentives mula sa lokal na pamahalaan.

Isang maikling seremonya ang idinaos sa Tanghalang Pasigueño sa pangunguna ni Pasig City Mayor Vico Sotto upang kilalanin ang pagsisikap at kontribusyon ng mga iskolar.

Ayon sa Pasig City Public Information Office (PIO), sa 116 scholars, anim na summa cum laude graduates ang nakakuha ng tig-P30,000.

Khriscielle Yalao

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya