Aabutin pa ng pitong taon upang maresolba ang mga ill-gotten wealth case ng pamilya ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr..
Ito ang naging pagtaya niPresidential Commission on Good Government (PCGG) chairman John Agbayani nang isalang ito sa pagdinig ng House Justice Committee nitong Miyerkules.
“After staying there for a continuous period of almost five years, when do you expect that the job of the PCGG will be finished?” pagtatanong ni Cavite 4th District Rep. Elipdio Barzaga kay Agbayani.
“My personal estimate is seven years. Seven years to finally resolve all the pending cases,” tugon naman ni Agbayani.
Bago ang nasabing pagtatanong, inamin ni Agbayani sa mga miyembro ng komite na mayroon pa silang hawak na 87 kaso laban sa pamilya at ang mga ito ay aabot sa₱125 bilyon.
"Iyang mga cases na 'yan, pending. 'Di lahat panalo. May talo rin. Pero all of these cases with judgments were already appealed to the Supreme Court," aniya.
Nasa 40 aniya sa nasabing bilang ang nakabinbin pa sa Sandiganbayan.Kumpiyansa rin si Agbayani na marerekober nila ang kalahati ng₱125 bilyon, bukod pa ang mga nirerekober nila sa United States.
“We have bright prospects of more recoveries in the coming years. Meron po tayong $70 million sa New York. We are working on final judgment," pahayag pa ni Agbayani.'
Aniya, maaari rin silang makaipon ng tinatayang aabot sa₱50 bilyonsa mapagbebentahang nasamsam na ari-arian ng pamilya Marcos.