Nagbigay ng safety tips para sa mga motorista si dating Presidential spox Harry Roque ngayong panahon ng tag-ulan. 

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 24, nagbigay siya ng anim na safety tips na dapat tandaan ng mga motorista.

"Ang mga dapat tandaan ng ating mga motorista na bumabyahe sa maulan na panahon:

1. I-on ang mga headlight

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

2. 3 Second Distance Rule (Magbigay ng ligtas na distansya sa pagmamaneho sa pagitan ng sasakyan mo at ng sasakyang nasa unahan)

3. Huwag masyadong sundan o lumapit sa mga trak o bus. (Ang mga malalaking sasakyan ay humahadlang sa iyong line of sight)

4. Mag-ingat sa mga pedestrian, magmaneho ng may labis na pag-iingat (Ang ilang pedestrian ay maaaring hindi maingat na tumawid sa trapiko habang naghahanap ng kanlungan mula sa ulan. Ang pagmamaneho ng may pag-iingat ay nakakatulong na mabawasan ang mga aksidente sa lansangan)

5. Iwasan ang biglaang pagliko o paggalaw (Ang biglaang pag maniobra ay maaaring makasira ng traksyon ng gulong na maaaring humantong sa pagkawala ng kontrol ng sasakyan)

6. Iwasan na lumubog sa baha ang makina ng sasakyan."