Nahusgahan man dahil sa kaniyang kasarian na hindi raw angkop para maging isang ganap na seaman, pinatunayan ng tubong-Leyte na si Andy Fe na hindi hadlang ang pamantayan ng lipunan para maabot ang kaniyang pangarap.

Nakilala si Andy Fe sa kaniyang mga kwento sa TikTok bilang isang baklang seafarer o “seafairy.

Bagaman kasalukuyang inaani ang tagumpay ng kaniyang seafaring career ay patuloy na tinitingalang inspirasyon si Andy para sa kaniyang pagpupursigeng maabot ang pangarap.

Sa isang Facebook update, Linggo, muling ibinahagi ng tinaguriang “seafairy” ang mga dinanas na sakripisyo ng kaniyang pamilya para lang maitaguyod ang kaniyang pangarap.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Aniya, parating pinupuntirya ang kaniyang pagiging “binabae” para pasukin ang mundo ng seafaring career.

“I am feminine. But there’s nothing more stronger and manly than someone who is trying hard to fit in a world which is way out of his nature,” ani Andy.

Aniya, na-immune na siya sa panghuhusga, diskriminasyon at pang-eestima ng mga tao.

“But still here I am, still surviving. Just holding on to a dream that my family built for me. My will to give up has been overshadowed by a dream to persevere, 🌈🧜‍♀️” ani Andy.

Mula nang sumampa bilang tainee noong 2008, kasalukuyang isang second officer si Andy sa isang international ship.

Sa TikTok, tumabo na sa mahigit  280,000 ang followers ni Andy dahilan para maungkat naman ang ilan pang personal na bahagi ng kaniyang buhay.

Kamakailan, tinapos na ni Andy ang espekulasyon ukol sa kaniyang anak.

Aniya pa, hindi niya kailanman intensyon na i-deny ang kaniyang anak bagkus ay nais niya lang itong protektahan mula sa naranasan niyang panghuhusga.

“I’m very very proud to be a gay dad and a responsible father. I love her that much,” ani Andy.