Magdadagdag na naman ng presyo ng produktong petrolyo sa Agosto 23, ayon sa pahayag ng mga kumpanya ng langis nitong Lunes.
Saa abiso ng Shell, papatungan nila ng ₱0.70 ang presyo ng kada litro ng gasolina at ₱2.60 naman ang idadagdag sa kada litro ng diesel.
Aabot naman sa ₱2.80 ang dagdag nito sa kada litro ng kerosene.
Ipatutupad ang nabanggit na taas-presyo sa Martes dakong 6:00 ng umaga.
Dakong 4:01 ng hapon, magpapatupad din ng taas-presyo sa kanilang produkto ang Cleanfuel.
Katulad ng Shell, ipapatong din nito ang ₱0.70 sa kada litro ng kanilang gasolina at ipaiiral din ang ₱2.60 na dagdag sa bawat litro ng diesel.
Idinahilan ng mga kumpanya ng langis, gumalaw ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado kamakailan kaya napipilitan din silang magpatupad ng price adjustment.