Maituturing na isang malaking regalo para sa isang magulang ang pagtatapos ng kaniyang anak sa pag-aaral, lalo na't kung ito ang nakikitang susi upang makapagbukas ng iba't ibang oportunidad, na magagamit sa pagkakamit ng mga pangarap.

Kaya naman, nagpaantig sa damdamin ng mga netizen ang kakaibang handog ng isang ina para sa kaniyang anak na nagtapos ng Cum Laude para sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Cebu Technological University-Naga Extension Campus. Sa halip kasi na mga bulaklak, isang pulumpon ng iba't ibang gulay ang handog ng kaniyang inang magsasaka kay Rosemarie “Rose” Villarin, mula sa Barangay Jaguimit sa Naga, Cebu.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Ito umano ang naging paraan ng kaniyang ina upang ipakita ang kaniyang kasiyahan sa graduation ng anak, dahil sa angking sipag nito.

Narito naman ang reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Congratulations! Sa halip nga naman na bulaklak na malalanta, mga gulay na lang na puwede pang makain."

"Unique idea! Congrats!"

"Galingan mo Ma'am para sa iyong ina!"