Sinuspindi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-National Capital Region (NCR) ang pamamahagi ng educational cash assistance nitong Sabado dahil sa paglabag ng ahensya sa ipinatutupad na health at safety protocols.
Pinayuhan ng DSWD-NCR ang mga benepisyaryo na abangan na lamang sa kanilang Facebook page ang anunsyo para sa pagpapatuloy ng pamamahagi cash aid.
Nitong Sabado, makapal ang pila ng mga estudyante at kanilang magulang sa harap ng tanggapan ng ahensya ahensya sa Quiapo, Maynila matapos ianunsyo ng gobyerno ang pagsisimula ng distribusyon ng educational assistance sa mahihirap na estudyante.
Ayon sa mga pumila, naging magulo ang sistema sa pamamahagi ng cash assistance.
Nauna nang tiniyak ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na magpapatulong sila sa mga local government unit upang mapadali ang pag-claim ng tulong pinansyal ng mahihirap na estudyante.